"Muka ng Kahirapan"

Isang karpintero ako, Robert ang aking pangalan. Aalis ng umaga uuwi ng gabi hawak ang isang klase ng ulam, yan ang lagi kong ginagawa pagkauwi ko galing trabaho. Halos naiiyak ako pag uuwi ng bahay, pagdating ko nakatanod ang aking mga anak iniintay nila ang aking pagdting para may makain na sila. Kumikirot ang aking puso tuwing ganoon sila.
 
Kulang pa sa pang araw-araw ang sahod na natatangap ko para sa tatlo kong anak na nag aaral kahit na nagtitinda ng kakanin ang aking asawa hindi parin sapat ang aming kinikita. Halos hindi na rin ako nakakatulog ng maayos kakaisip sa mga gastusin ganito talaga pag may pamilya nana dapat handa tayo sa lahat ng pagsubok at sa mga mangyayari. Tsaka ang dami na din naming utang sa aming kalapit na tindahan,hindi ko alam kung paano ito unti-unting mababayaran, dati naman hindi kami ganito dahil dati may bakery pa kami, kaso nawala ito dahil naubos ang aming pera ng dahil sakin, nagastos ko ito ng dahil sa sugal. Siguro kaya nawala yung aming pinagkakakitaan ay masyado kong naabuso ang biyaya ng diyos sa amin.
 
At tsaka ang ginagawa naming mag asawa ay giging ng maaga para gumawa ng tinapay,malinis ang aming tinitinda dahil ginagaw namin ito ng maayos at malinis.
Madami ang bumibili at tumatangkilik sa aming tinapay noon halos araw araw ubos ang aming tinda hindi kami masyadong naghihirap dati dahil may pang tustos naman kami at may negosyong inaasahan. Tuwing gabi nga nagkukulitan pa kami ng mga anak ko tawa lang kami ng tawa. Minamasahe din nila ang kamay ko. Dahil sa mga anak kong malalambing masayang masaya na ako. 

Noon nga, kaysarap ng aming hapunan dahil masarap magluto ang asawa ko at pagkatapos namin kumain binubuhay ko na naman ang Tv, nanunuod kami habang magkakatabi. Pag may pawis akobpinupunasana gad yun ng aking asawa diba ang swerte ko sa kanya bukod sa maunawain na sobrang mahal na mahal niya niya kami,
Ako rin naghahatid at sundo sa mga anak ko sa school. Ako ang nag gigising sa kanila para pumasok sa school. Ganun kami kaclose dati pero ngayon lumalayo na ang loob ng mga anak ko sakin.
 
Lahat ng mga gingawa namin noon, hindi ko na nagagawa ngayon. Siguro kung hindi ako nalululong sa sugal masaya parin kami at hindibsana naghihirap ng ganito ngayon. Siguro kung maiibalik ko lang ang panahon mababago ko pa itong kamaliang nagawa ko.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito