Physical Aspect
Roxanne U. Zeta ang aking pangalan ipinanganak noong Pebrero 22, 2000 labing anim na taong gulang, maliit at payat ako naman siguro sa akin nanay aya hindi nako nagtaka.
Masasabi kong namana/nakuha ko rin ang ilong ko sa aking ina dahil pareho daw kami, at yung mata ko naman ay sa aking ama. Ito rin kasi ang sinasabi nila sa akin.
Hindi naman ako yung tipo ng babaeng masabihan mo lang ng mga magagandang salita ay may nagbabago na agad sa kanilang ugali.
Para sa akin naman kuntento na akobking anong meron ako dahil ito ang biyaya at ibinigay ng diyos sa akin.
May gusto rin akong sports sa totoo lang basketball ito kahit babae man ako wala naman sigurong masama kung gustuhin ko ito. Dahil masaya ako pag naglalaro nito habang kasama ang mga kaibigan ko.
Sa paglalro ng sports na gusto ko maingat naman ako. Dahil ang basketball ay hindi maiiwasang walang mangyaring hindi masama, dahil nasa pag-iingat ito.
Pagdating sa kalusugan hindi naman ako sakitin, kahit ganito ang katawan ko at kahit na minsan lang ako nkain ng gulay, ito na kasi ang nakasanayn ko. Hindi ko rin ni minsan ang uminom ng alak at hindi ko rin sinubukan ang paninigarilyo. Dahil alam ko naman ang magiging epkto nito sa kalusugan.
INNER LIFE
Bata pa lang ako malikot at malawak na talaga ang aking imahinasyon. Kung ano ano ang naiisip ko tungkol sa mga bagay-bagay. Naiisip ko nga minsan paano na lang kung lahat ng tao nalipad edi sana hindi na tayo makakaranas ng Traffic. Ang sarao mag isip ng mga bagay na imposible namang mangyari dito sa mundo.
Pagdating naman sa buhay ko, wala naman akong problema, masaya ako dahil sa mga kaibigan ko. Sa totoo lang may hilig talaga ako sa talent.
Gusto ko talaga ang pagsasayaw kahit hindi naman ako kagalingan, pero ito talaga ang gusto ko. Grade 3 pa lang ako , dito na nagsimula ang pagsasayaw ko sa harap ng maraming tao at sa stage. Hanggang sa magsunod-sunod na ang pagsali ko sa mga sayaw.
Sumasayaw din ako sa barangay namin pag may mga okasyon o kahit sa ano pang nagaganap sa aming barangay.
May 2012 Grade 7, nagkaroon ng labanan ng sayaw at ito ay malaking labanan. At ito ay pinasimulan ng dating mayor ng Lucena. Hindi ko inasahan na ako at ang mga kaibigan ko ang kukunin ng aming SK Chairman para maging representative ng aming barangay.
Isang malaking karangalan ito para sa akin, dahil sino ba naman ang hindi magugulat na sa Pacific Mall pa kami sasayaw, kalaban ang mga iba't-ibang mga barangay dito sa Lucena. Hinsi kovito malilimutan bilang isang kabataan.
Pero kahit anong gawin kong tapang may kinakatakutan parin ako una talaga ay ang mawalan at ang maiwan. Ayoko kasi ng mawalan ng minamahal.
May mga bagay din akong hinding hindi ko magagawa kahit kailan. Tulad ng pagnanakaw, panlalait, atvpaninira sa ibang tao. Dahil sabi nga nila wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo.
HOME LIFE
Sa Mayao Castillo purok dulong silangan (Jr) ang aming tirahan siguro 25 years na kami dito, sa bahayvnamin ang gusto kong parte ay ang kwarto ko. Dahil dito ako nakapag iisa ito rin ang nagigibg tambayan ko.
Maliit ang aming bahay pero punong puno naman ng pagmamahalan, tinuturing ko ring pamilya ang aso ko dito kasi ako nakapag sasabi ng sikreto, dito ko rin naiilabas ang aking sama ng loob kapag nagkakatampuhan kami ng kapatid ko.
Noon pa man masaya na ako sa aming bahay lalo na kapag kompleto kami sa bahay. Wala kaming tigil kakatawa. Lalo na kapag pasko at bagong taon. Hindi rin alintana ang hirap at pagsubok na aming nararanasan dahil handa naman kami magtulungan. Pero pagkatapos ng mahabang panahon nagkakaroon kami ng sunod-sunod na problema hindi namin inaasahan na darating iyon sa amin. Napakalaki ng aming pagsubok na naranasan nun. Halos sumuko na talaga kami, pero malampasan din naman namin ito kinalaunan. Buti na lamang at may laging positibong nagiisip para sa amin si mama at si papa. Si mama at papa ang nagsilbing lakas naming magkakapatid nun. Sila ang mas gumabayvsamin para makayanan namin to lahat.
LIFE WITH OTHERS
Bata pa lamang ako at bago pa lamang magkakilala nag aking mga magulang sa Mayao Castillo dito na sila namuhay ng simple masaya at may mga masasaganang pagkain.
May magulang akong sobra kung sumuporta sa amin at sobra kung magmahal ito ang talagang magulang na aking pinapangarap. Bukod sa bait nila sipag pa nila mapag aral lang kaming magkakapatid. Kahit na minsan ang tigas ng ulo namin, hindi oparin sila nagsasawang umintindi.
Mayroon kaming jeep sarili naming jeep, at ito ang bagay na bumubuhay samin sobrang sipag ng papa ko dahil kahit pagod na pagod na yun araw-araw ang iniieip niya parin ay ang kapakanan namin. Si mama naman ay nasa bahay na siyang nag aasikaso samin sila ang maituturing kong pinakamabuting magulang para sakin.
Pagdating sa school CEFI ang talagang isa sa school na hindi ko malilimutan sapagkat dito ko nasubok ang mga bagay na hindi ko nagagawa at nararanasan, isa rin ang Talipan sa gusto kong school dahil dito ako nagsimulang makipagkaibigan sa iba. Dito ko sinimulan pagiging isang teenager ko.
Inimpluwensyahan ako ng mga kaibigan ko upang sumubok ng iba pang mgq bagay.
May pamilya akong mapagmahal, may magulang akong hindi nagsasawang sumusuporta at may mga kapatid na hindi ako iniiwan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento