"Pinta ng Buhay"
Noong Disyembre 10, 2016, Marami sa mga estudyante ang pumunta sa Pacific Mall upang masilayan ang mga nag gagandahang gawa ng ilang magagaling na pintor.
Pinapanuod ang ilang mga palabas, at dito ay marami ang natuwa at naaliw. Marami ang natuwa dahil sa mga art na ginawa nila. Marami rin ang mga taong nagsidaanan dahil napukaw ng mga magagandang arts na iyon ang mga atensyon ng ibang tao. Hindi lamang estudyante ang nakakita ng mga gawa nila dahil pati na rin ang mga taong namamasyal sa nasabing lugar.
Makikita sa mga art na iyon anv ilang mga mukha tulad ni Corazon Aquino at bawat isa sa mga ito ay may mabigat na ibig sabihin. Bukod dun may nagbahagi rin ng kanilang mga kaalaman. Marami ang natutunan ng bawat isa katulad ng karapatan bilang isang mamamayan at ang mga katarungang kapayapaan ng bansa.
Marami rin ang nakiisa sa pagtitipong iyon at sa nasabing parada at ito ay may hawak na kandila na nakalagay sa plastik na baso at habang hawak ang nakataling kaunting tela na kulay itim. Ito ay isa sa sumisimbolo sa kanilang samahan.
Kabutihan at ikabubuti lamang ang nais nilang ipahayag at ibahagi sa kanilang mga tagapakinig.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento